Christian Music Video | "Dapat Maunawaan ng mga Tao ang Kabuluhan at Halaga ng Pagiging Buhay"
Christian Music Video | "Dapat Maunawaan ng mga Tao ang Kabuluhan at Halaga ng Pagiging Buhay"
I
Dahil sa kataas-taasang kapangyarihan at paunang pagtatalaga ng Lumikha, ang isang malungkot na kaluluwa na nagsimula nang walang-wala ay nagkakaroon ng mga magulang at isang pamilya, ng pagkakataon na maging kasapi ng sangkatauhan, at ng pagkakataon na maranasan ang buhay ng tao at makapaglakbay sa mundo ng tao; nagtatamo rin ito ng pagkakataon na maranasan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha, na malaman ang kamangha-manghang bagay ng paglikha ng Lumikha, at higit pa riyan ay ang pagkakataon na makilala at magpasailalim sa awtoridad ng Lumikha. Subalit hindi tunay na sinusunggaban ng karamihan ng mga tao ang pambihira at madaling lumipas na pagkakataong ito. Inuubos ng mga tao ang panghabambuhay na enerhiya sa paglaban sa kapalaran, at ginugugol ang buong buhay nila sa pagiging abala para tustusan ang kanilang pamilya at pabalik-balik silang nagmamadali alang-alang sa katanyagan at pakinabang.
Show More
II
Ang mga bagay na pinahahalagahan ng mga tao ay ang pagmamahal ng pamilya, salapi, at kasikatan at pakinabang at itinuturing nila ang mga ito bilang ang pinakamahahalagang bagay sa buhay. Lahat ng tao ay nagrereklamo tungkol sa pagiging malas, subalit isinasantabi pa rin nila sa kanilang isipan ang mga usapin na pinakanararapat na unawain at siyasatin ng mga tao: bakit buhay ang tao, paano dapat mamuhay ang tao, at ano ang kahalagahan at kabuluhan ng buhay. Ilang taon man silang mabubuhay, ginugugol lamang nila ang buong buhay nila nagkukumahog lang sa paghahanap ng kasikatan at pakinabang, hanggang sa lumipas na ang kabataan nila at nagkaroon na sila ng uban at kulubot, hanggang sa mapagtanto nila na hindi mapapahinto ng kasikatan at pakinabang ang pagtanda nila, na hindi maaaring punan ng salapi ang kahungkagan ng puso nila, at hanggang sa maunawaan nila na walang sinuman ang makakatakas mula sa mga batas ng pagsilang, pagtanda, pagkakasakit, at kamatayan, at na











