Christian Song | "Nais ng Diyos na Hangarin ng Sangkatauhan ang Katotohanan at Mabuhay" Choral Hymn


Christian Song | "Nais ng Diyos na Hangarin ng Sangkatauhan ang Katotohanan at Mabuhay" Choral Hymn

I
Bakit dapat hangarin ng tao ang katotohanan?
Ang pangunahing dahilan ay na, kung titingnan ito mula sa perspektiba ng Diyos,
ang paghahangad sa katotohanan ay nauugnay sa Kanyang pamamahala,
sa Kanyang mga ekspektasyon sa sangkatauhan,
at sa mga inaasam na inilagak Niya sa sangkatauhan—
ito ay isang bahagi ng plano ng pamamahala ng Diyos.
Kahit sino ka man at gaano ka man katagal nang nananampalataya sa Diyos,
kung hindi mo hinahangad o minamahal ang katotohanan,
sa huli ay hindi maiiwasan na magiging puntirya ka ng pagtitiwalag—
napakalinaw nito.

Show More

II
Gumagawa ang Diyos ng tatlong yugto ng gawain;
mayroon na Siyang plano ng pamamahala simula nang likhain Niya ang sangkatauhan,
at isinakatuparan Niya ang bawat yugto nito sa sangkatauhan,
at hakbang-hakbang Niyang inakay ang sangkatauhan papunta
sa kasalukuyang panahon.
Iginugol ng Diyos ang napakaraming dugo ng Kanyang puso,
at nagtiis na Siya nang napakatagal,
nang may pinakalayon na isagawa sa tao ang mga katotohanang Kanyang ipinapahayag
at ang bawat aspekto ng pamantayan ng Kanyang mga hinihingi
na sinasabi Niya sa sangkatauhan,
at ginagawang buhay at realidad ng tao ang mga iyon.
Sa paningin ng Diyos, napakahalagang usapin nito,
at labis na matimbang ito para sa Diyos.

III
Para sa bawat tao, hindi mahalaga ang iyong kakayahan,
o edad, o kung ilang taon ka nang nananampalataya sa Diyos,
dapat kang magsumikap tungo sa landas ng paghahangad sa katotohanan.
Hindi mo dapat bigyang-diin ang anumang obhetibong mga palusot;
dapat mong hangarin ang katotohanan nang walang kondisyon.
Huwag iraos lang ang mga bagay-bagay.
Ipagpalagay nang itinuturing mo ang paghahangad sa katotohanan
bilang isang dakilang usapin ng buhay mo,
at nagpupursigi at nagsusumikap ka para dito,
at marahil, sa huli, ang mga katotohanang nakamit at nagawa mong maabot sa iyong paghahangad
ay hindi ang mga inaasam mo.
Pero sinabi ng Diyos
na

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press