CREDIBILITY: 3 Katangian na Kailangan Upang ikaw ay Pagkatiwalaan
Gaano kadalas ka nagtatago ng katotohanan?Gaano kadalas mo kinukunsinti ang ganitong ugali sa'yong pamilya at trabaho? Ginagawa mo ba kung ano ang sinasabi mo? Meron ka bang taong hinahayaan na pagsabihan ka kung ikaw ay may problema sa area na ito?
Maaaring iniisip mo eh normal lang naman na ginagawa iyang pagsisinungaling. Siyempre tao lang kaya hindi maiwasan.
Show More
Normal lang na mag kompromiso lalo na pag hinihingi ng pagkakataon. Kaibigan ang credibility ay ang character na hindi dapat mawala sa iyo. Bakit? kasi ang kawalan nito ang makakasira sa relasyon ng mag-asawa, makakasira sa trabaho, makakasira sa relasyon mo sa iyong kamang-gagawa sa ministry at iba pa. Ito ay nagdudulot din ng sama ng loob, sakit ng damdamin at pagkasira pa ng iyong reputasyon, patotoo at pagkasira ng oportunidad na dapat sana ay nakuha mo na.
Kaibigan kung wala kang credibility ay patuloy kang magtataka kung bakit walang nagtitiwala sayo at walang gustong magbigay ng oportunidad sayo. Maaaring palipat-lipat ka ng church at parati ka nalang may nakakaaway kahit san ka pumupunta. Tapos ang sinisisi mo ay ang iyong Pastor o mga kamang-gagawa sa pero kung ikukumpara mo lang ang iyong sarili sa kung ano ang standard ng Diyos sa kasalanan ay malalaman mo na may kakulangan ka din at mahirap ding pagkatiwalaan.
Ito ang pag-uusapan natin ngayon kung bakit kailangan nating lahat ng credibility. At ano ano ba ang katangian ng isang taong may credibilty.
Tapusin mo ang mensahe na ito kaibigan dahil kung maisasabuhay mo ang paguusapan natin ay magiging matagumpay ka sa lahat ng area ng buhay at maraming tao ang magtitiwala sa iyo. At hindi lang yun ikaw ay makakatanggap pa ng pagpapala ng Diyos dahil ikaw ay sumusunod sa kanyang kalooban.
Support this ministry: https://wotgonline.com/donate/
Ready to Answer: https://bit.ly/readytoansweryt
Worship Message: https://bit.ly/SCRIPT-Credibility
Life Application Guide: https://bit.ly/LAG-Credibility
BACKGROUND MUSIC FROM YOUTUBE AUDIO LIBRARY











