DAKILA KA by @YeuseffMusic23 | Music by @deovinccidasig | How Great Thou Art – Tagalog


Deovincci Dasig

2,233 views

Performed by @YeuseffMusic23
Music by @deovinccidasig

Lyrics from: Tagalog Traditional Hymnbook

Show More

Minus 1:
https://www.youtube.com/playlist?list=OLAK5uy_nHx0-WyelHXwCdNg-RfejEJ807_tJzcrk

Bisaya Version:
https://youtu.be/eNUTZRxRMOI?list=OLAK5uy_mkNnXF090eeu5ctYlWQDQICd7Jpxy2xJQ

Photo by Benjamin Voros
https://unsplash.com/photos/phIFdC6lA4E

*Do NOT re-upload.
We encourage you to create your own track.
Thank you for your understanding.

VERSE 1:
Panginoon, kung aking mapagmasdan
Sansinukob na Iyong nilalang
Mga bituin, kulog sa kataasan
Tanda ng Iyong kapangyarihan

CHORUS:
Umaawit ang aking kaluluwa
Dakila Ka, Diyos ko't Ama
Umaawit ang aking kaluluwa
Dakila Ka, dakila Ka

VERSE 2:
Kung pagmasdan ang mga kagubatan
Mga ibon ay nag-aawitan
Sa bundok ay aking natatanawan
Mga batis, daloy walang hanggan

VERSE 3:
Ang Dios Anak, hindi ipinagkait
Dahilan sa Kaniyang pag-ibig
Doon sa krus aking sala inako
At namatay, tinigis ang dugo

VERSE 4:
Kung dumating si Cristong Hari natin
At sa langit tayo ay dadalhin
Magpupugay at ating sasabihin
Dakila ka, Ama at Diyos namin

LAST CHORUS:
Kaya umaawit ang puso ko
Dakila ang pag-ibig Mo
Pinupuri Kita't sinasamba
Dakila Ka, dakila Ka

ADLIB:
Napakabuti Mo O Hesus
Kahanga-hanga ang Iyong mga gawa
Banal at makapangyarihan ang Iyong pangalan
Pag-ibig Mo’y tunay at laging tapat kailanman
At hanggang ngayon patuloy kang gumagawa ng mga dakilang bagay

Aleluya, purihin Ka
Aleluya, sambahin Ka
Aleluya, luwalhatiin Ka
Aleluya, walang iba

Di ko kayang isipin
Di kayang arukin ang dakilang pag-ibig Mo
Ang aking tinig ihahayag sa buong mundo
Kabutihan Mo

Wala Kang katulad
O magpakailanpaman
Hindi ka nagbabago
Ohhh… Yeah-yeah-yeah

Panginoon, walang hanggan ang pag-ibig Mo
Panginoon, walang hanggan ang kadakilaan Mo
Walang hihigit sa ‘Yo
Ikaw lang ang sasambahin ko

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press