Dakilang Pag-Ibig Lyrics #SakristanNiKristo #PadayonSNK #SNKPh
Dakilang Pag-Ibig Lyrics
REFRAIN
Dakilang Pag-ibig, saan man manahan,
Diyos ay naroon, walang alinlangan.
(Panginoon, maawa ka.)
Show More
Tinipon tayo sa pagmamahal
ng ating Poong si Hesus.
Tayo’y lumigaya sa pagkakaisa
sa Haring nakapako sa Krus. (REFRAIN)
Purihi’t ibigin ang ating Diyos
na siyang unang nagmamahal.
Kaya’t buong pag-ibig din nating mahalin
ang bawat kapatid at kapwa. (REFRAIN)
Iwasan lahat ng pagkapoot,
pag-aalinlanga’t yamot.
Sundin ang landasin ni Hesukristo,
at ito’y halimbawa ng Diyos. (REFRAIN)
Mapalad ang gumagalang sa Diyos
at sumusunod sa kanya.
Tatamasain niya ang kanyang biyaya.
Pagpalain siya’t liligaya. (REFRAIN)
CODA
Panginoon, maawa ka.
Panginoon, maawa ka.
Maawa ka, maawa ka.
#SakristanNiKristo #PadayonSNK #SNKPh











