"Datnan Mo Ako" Orig. Composition of Bel.Bro.Noel Ducay | Song Writing Grand Champion| JMCIM Baguio
DD Channel
LYRICS
Datnan Mo Ako
Show More
*1st Stanza
Magmula nang ako'y maglingkod sa'yo
Naranasan ko ang pagpapala Mo
Kabutihan at Pag-iingat Mo
Kagalingan at kalakasan ko
at ang buhay ko'y binago Mo
*2nd Stanza
Tinuruan Mong sumunod sa'Yo
Nilakaran ko ang liwanag Mo
Ikaw ang gabay sa paglalakbay
Pangako Mo aking inaasam
Ang pagbalik Mo'y hinihintay
*Pre-chorus
Ngunit maraming hadlang at pagsubok
Sa harap ko ang aking kahinaan
Kaya ako'y dumadalangin
Lakas ay sumaakin
Tagumpay ang hinihiling
*Chorus
Datnan Mo ako na mainit na naglilingkod
Datnan Mo akong kalooban Mo ang sinusunod
O Hesus Iyong tulungan na hindi mahiwalay
Ang pag-ibig Mo'y manatili sa akin
*Bridge
Gawin Mo akong matatag
Tapat na lumalakad
Panghawakan Mo ang buhay ko o Diyos
Datnan Mo akong umaawit
Datnan Mo akong nagpupuri
Datnan Mo akong kalooban Mo ang sinusunod
*Chorus
Datnan Mo ako na mainit na naglilingkod
Datnan Mo akong kalooban Mo ang sinusunod
2x
O Hesus Iyong tulungan na hindi mahiwalay
Ang pag-ibig Mo'y manatili sa akin











