Dear Self


Dear Self,

Marami ka nang pinagdaanan, ngunit kailangan mong tandaan na ito ay simula pa lamang at ito ay isang paghahanda para sa 'yong magandang buhay sa hinaharap.

Show More

Ang mga tao ay pansamantala lang sa buhay mo. Kahit na ang iyong mga magulang ay hindi mananatili sa 'yo habang-buhay. Lahat ng tao o bagay ay lilisan. Salamat Self dahil natutunan mo kung paano bitawan ang mga taong naghahatid lang ng katoxican sa 'yo.

Talagang hindi mo kailangang patunayan ang iyong sarili sa lahat ng aspeto at hindi mo na kailangang makipagtalo kung may sumalungat man sa 'yo. Minsan ang katahimikan ang pinakamagandang sagot.

Sa tuwing mabibigo ka, natututo ka. Ang pag-aaral kung ano ang hindi dapat gawin ay talagang mas mahalaga kaysa sa pag-aralan kung ano ang mga dapat gawin.

Ang pera ay talagang mahalaga sa buhay ngunit huwag kang mai-stress para diyan. Matulog ka ng sapat, magpahinga ka kung napapagod ka at magiging maayos rin ang lahat.

Alam kong may tiwala ka sa sarili mo at sa kakayahan mo. Kaya 'wag mo ng tingnan ang nagawa mong kamalian sa nakaraan.

Kahit anong gawin mo Self, may mga tao talagang hindi ka rerespetuhin. Tatapak-tapakan ka. Kukutyain ka. Pero magpatuloy ka lang sa 'yong paglalakbay. Ngumiti ka lang palagi. Ang katahimikan mo lang ang tanging maigaganti mo sa kanila.

Come on, Self, we've got this!

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press