Demolish your comfort zone! Achieve the Impossible Today


Kaibigan tinawag ka na ba ng Diyos para humakbang ng may pananampalataya patungkol sa isang bagay? Tinawag ka ba Niya sa isang teritoryo o gawain na hindi mo naman alam o parang imposibleng gawin? Nakaramdam ka na ba ng pagdududa sa iyong abilidad para gawin yung inuutos ng Diyos sa iyo? Maaring ito ay patungkol sa iyong trabaho, patungkol sa iyong relasyon, patungkol sa iyong ministry, o patungkol sa lugar at iba pang aspeto ng iyong buhay. At habang iniisip mo to ay mas lalo ka na napa-paralyzed maaaring tinatawag ka ng Diyos para bahaginan ng mabuting balita yung kaklase mo nung highschool o kaya kamag-anak na matagal mo nang hindi nakikita o maaaring tinatawag ka ng Diyos para makipag reconcile sa isang family member o kaibigan o katrabaho para magkaroon ka ng opportunity na maibahagi mo ang mabuting balita sa kanya. Kaya lang ini-imagine mo pa lang ito ay halos hindi ka na makakilos. Na-realize ko na gustong-gusto natin manatili sa ating comfort zone na kung saan mas less ang stress at anxiety. Kasi mas pamilyar ka na sa ginagawa mo at mas safe ito sa tingin mo dahil matagal kana sa ganyang kalagayan, kaya lang ang problema habang tumatagal ay nagdudulot ito nang katamaran sa atin, nagreresulta din ito complacency at hindi pagsunod sa Diyos. Nagbibigay ito sa ating ng false sense of security na okay ka naman na at wala nang kailangang i-improve. Na-realize ko na hindi naman talaga madali na mag let go ng kontrol ng isang bagay pero kaibigan tinawag ka ng Diyos hindi para sa isang madaling lakbayin. Tinawag ka Niya para umalis sa iyong comfort zone. At i-exercise mo yung faith sa kanya.

Sabi sa Oxford Dictionary ang ibig sabihin ng "comfort zone" ay is a place or situation in which you feel safe or comfortable, especially when you choose to stay in this situation instead of trying to work harder or achieve more.

Show More

ito yung nakakatakot dahil sa komportable ka na ay magreresulta ito ng katamaran.

Kaibigan gusto ng Diyos na mag-mature tayo at matutunan natin

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press