Designed for Good Works, Live It Now! Part 2
Join our Online Discipleship Group, register here: https://forms.gle/TrfuEdmkWYc5dR5u7
Isipin mo ang isang ballpen na nakatago sa loob ng isang drawer. Maganda at maayos itong dinisenyo upang magsulat, lumikha, at magpahayag ng mga ideya at saloobin. Ngunit hangga't hindi ito ginagamit, hindi nito matutupad ang purpose niya. Ganito rin tayo, nilikha tayo ng Diyos para sa isang layunin, ang gumawa ng mabubuting gawa sa ating buhay. Tulad ng ballpen na ginagamit ng isang author, tayo ay nilikha upang magamit ng Diyos sa paggawa ng mabuti sa mundo sa pamamagitan ng ating mga gawa.
O kaya, isipin mo ang isang binhing itinanim sa lupa. Nasa loob nito ang lahat ng potensyal na maging isang malakas na puno na namumunga. Ngunit kung hindi ito dinidiligan, inaalagaan, at binibigyan ng pagkakataon upang tumubo, ito ay mananatiling isang binhi lamang. Tayo rin, tulad ng binhi, ay dinisenyo ng Diyos na may layunin. Gaya ng binhi na kailangang lumago at magbunga, tayo ay nilikha upang lumago sa Panginoong Hesus at magbunga ng good works sa ating buhay.
Kaya nga ang title ng message natin ngayun ay Designed for Good Works, Live It Now!
Ang mensaheng ito ay bahagi ng ating serye na tinatawag na "Masterpiece," kung saan tinitingnan natin kung paano tayo nilikha ng Diyos para sa isang layunin. Ang linggong ito ay nakatutok sa katotohanan na nilikha tayo upang gumawa ng mabubuting gawa. Tayo ay mga obra ng Diyos, at tayo'y tinawag upang maging kasangkapan ng Kanyang kabutihan sa mundong ito.
Kaya nga kaibigan tapusin mo ang mensahe na ito kasi dito mo maiintindihan kung ano ba ang ibig sabihin ng totoong good life.
Show More
Designed for Good Works, Live It Now!
1- Live Out Who You Are
2- Step Into Your Assignment
3- Make Goodness Your Daily Habit
Support this ministry: https://wotgonline.com/donate/
Receive Daily Encouragement and Inspiration: https://forms.gle/DwnYNTfuM9rMRv1DA
Join our Online Discipleship Group, register here: https://forms.gle/TrfuEdmkWYc5dR5u7
Ready to Answer:











