DESTINED FOR IMPACT
Nakakaramdam ka ba ng kawalan ng pagasa dahil sa takot, pakiramdam na hindi ka sapat, o pagkabigo dahil hindi mo nakamtan ang inaasahan mo?
Hindi ka nag-iisa. Marami sa atin ang nakakaramdam nito, at ito ay maaaring maging hadlang para malampasan ang isang ordinaryong buhay. Mayroon tayong series ng mga mensahe ang paparating na pinamagatang 'Destined for Impact' na nagkukuwento tungkol sa mga tao mula sa Bibliya na nakaranas din ng takot, kabiguan at kawalan ng pagasa.
Show More
Ang mga taong ito, tulad ni Abraham, Daniel, Gideon, at Job, ay hinarap ang kanilang mga takot, nilabanan ang mahirap na panahon, at nakamit ang mga dakilang bagay dahil nagtiwala sila sa Diyos. Sa bawat linggo, ay paguusapan natin ang mga kahanga-hangang kwentong ito para ipakita sa iyo kung paano ka maaaring lumipat mula sa pakiramdam na ordinary tungo sa paggawa ng mga extraordinary na bagay. Tutulungan ka ng seryeng ito na makita na maaari mong malampasan ang iyong mga takot at makagawa ng malaking pagbabago sa mundo. Halina't tuklasin ang walang hanggang posibilidad ng pagtahak sa isang buhay na hindi lamang nakatuon sa iyong journey, kundi sa iyong destiny. Halina at tuklasin kung paano ka rin maaaring maging 'Destined for Impact’.
#karangalanngDiyos #kaluwalhatianngDiyos #tagalogsermon #tagaloginspIrational #tagalogBibleverses #tagalogmotivational #tagalogBiblestudy #tagalogpreaching #wotg #Christianvlog #CCF











