DI NA HAHANAP NG IBA | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG HUGOT ( MERCY BLESS )


MERCY BLESS

169 views

Di na hahanap ng Iba
By: Clyde Kennan Loking
Produced by: MERCY BLESS

Di na hahanap ng iba
Oo, di na ako hahanap ng iba
Ba't pa ako maghahanap ng iba
kung natagpuan na kita
Ikaw na laging nagpapalakas ng aking loob
Ikaw na laging nandiyan pag ako ay napapagod
At ikaw na laging nagpapasaya pag ako ay malungkot
Sobrang swerte ko!
Sobrang swerte ko dahil nakilala ko ang isang tulad mo
Isang tulad mo na handa akong damayan
Handa akong damayan pag ako'y nilalamon na ng problema't nawawalan na ng lakas ng loob
para lumaban
Kaya nasabi ko sa sarili ko
Na napaka-swerte ng taong mamahalin mo
Napaka-swerte ng taong sasagutin mo ang tanong na Oo
Dahil di lang niya nahanap ang taong magmamahal sa kanya
Kondi nahanap pa niya ang isang tulad mo na totoong naglilingkod sa panginoon
Na biro nalang makikita sa ibang babae ngayon
Inaamin ko!
Alam ko namang alam mo na gusto kita
Di ko naman kasi inasahang mahuhulog ako sayo
Di ko inasahang makakaramdam ako ng ganito
Di ko inasahan na ang salitang MAGKAIBIGAN
ay gusto ko pang higitan
Hanggang ang salitang MAGKAIBIGAN
ay hahantong sa PAG-IIBIGAN
Walang mang tayo!
Pero patuloy ko paring papangarapin ang katulad mo
Araw-araw kitang pipiliin
At di na aasang ako'y piliin mo
Dahil sa simula palang tanggap ko na ang posibleng kalalabasan ng nararamdaman ko
Kaya patawad!
Dahil di na ako hahanap pa ng iba
Di na ako hahanap ng iba,
kahit may mahanap kana
Di na ako hahanap ng iba,
dahil nahanap na kita.

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press