Diyos at Bayan | CHRISTMAS | December 28, 2022
Maligayang Pasko!
Kung may isang lahi sa buong mundo na totoong totoo ang mga salitang “maligayang Pasko,” siguradong tayong mga Pilipino 'yun! Paano ba naman, Setyembre pa lang ay nagsasabit na tayo ng mga parol at tumutugtog na ang Christmas songs sa mga mall. Subalit, milyun-milyong pamilyang Pilipino ang dekada nang nag-papasko na watak-watak. Sa ngalan ng paghahagilap ng magandang kabuhayan at kinabukasan, di mabilang na Christmas parties, family reunions, at noche buena na ang na-miss ng mga kababayan nating OFWs. Imbis na pamilya, mga katrabaho ang kasama nila sa pagdiriwang ng Pasko.
Show More
Paano nga ba idinadaos ng mga tinaguriang “bagong bayani” ang Paskong malayo sa kanilang mga pamilya? Paano nila hinaharap ang kalungkutan na kanilang nadarama sa tuwing sasapit ang kapaskuhan? Ating alamin dito lamang sa Diyos at Bayan.
#DAB
#LTV











