Diyos at Bayan | El Niño | March 13, 2024
Sa datos ng Department of Agriculture nitong Pebrero…
Umabot na sa mahigit 150 milyong piso haggang 350 milyong piso ang nasirang mga pananim dahil sa dry spell…
Samantalang umabot na sa halos walong libong mga magsasaka ang nakaranas ng bagsik ng El Niño sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ngayong gabi…
Pag uusapan natin ang EPEKTO NG EL NIÑO PHENOMENON sa bansa…
Ang lawak ng pinsala na dulot nito at ang mga programa at solusyon ng pamahalaan para maibsan ang epekto ng el niño sa agrikultura, water supply, kalusugan, at ekonomiya.
Dito lang sa programang patuloy na naninindigan sa katotohanan, katarungan, at katuwiran. Diyos at Bayan.
#DAB
#LTV











