Diyos at Bayan | Magna Carta on Religious Freedom | September 20, 2021
Nakarinig na ba kayo ng panukalang batas na ipinasa sa Kongreso pero kalaunan ay binawi rin ng Kongreso?
Ito ang nakakapagtakang kapalarang sinapit ng Magna Carta on Religious Freedom kamakailan lang. Pumasa ang panukalang batas bilang House Bill 6492 sa 1st reading, 2nd reading, at 3rd reading sa House of Representatives with an overwhelming 256 affirmative votes. Isa lang po ang tumutol at tatlo lang ang nag-abstain.
Show More
Samahan nyo kaming alamin kung bakit tila pinapadaan sa butas ng karayom ang isang napakahalagang batas na makakaapekto sa kalayaan ng pnanampalataya, relihiyon, at paniniwala ng bawat Pilipino: ang Magna Carta on Religious Freedom—binawi na… lalaban pa ba?
Dito lang sa programang patuloy na naninindigan sa katotohanan, katarungan, at
katuwiran. Diyos at Bayan.
#DAB
#LTV











