DIYOS AT BAYAN | National Bible Month Part 1 | February 1, 2023


Doble-doble ang dahilan para ipagdiwang ang National Bible Day ngayong 2023.

Bukod kasi sa National Bible Day, ginugunita ng bansa tuwing huling Lunes ng Enero sabisa ng Republic Act 11163, ay ipinagbubunyi rin ng mga mananampalatayang Pilipino ang pagpasa sa third reading sa House of Representatives ng Magna Carta on Religious Freedom nitong nakaraang linggo.

Show More

Kaya naman hindi mapasusubalian ang kahalagahan ng taunang pagdiriwang ng National Bible Day, kung saan napapaalalahanan ang sambayanan sa kahalagahan ng Filipino values na itinuturo rin ng Banal na Kasulatan.

Samahan niyo kaming talakayin ang kahalagahan ng Salita ng Diyos sa pagbuo ng isang maayos at pinagpalang buhay, pamilya, lipunan, at bansa dito lang sa programang patuloy na naninindigan sa katotohanan, katarungan, at katuwiran, Diyos at Bayan.

#LTV
#DAB

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press