Diyos at Bayan | SIBUYAS | January 18, 2023
Tampulan ngayon ng katatawanan at memes sa social media ang sibuvas dahil sa presyong ginto nito sa merkado. Umaabot na kasi sa P700 kada kilo ang sibuyas. Samantalang ang arawang sahod ng ordinaryong manggagawa swerte na kung makakatungtong sa P600. Kaya nakakatawa man ang mga meme tungkol sa sibuyas, sa totoong buhay naman ay umiyak na si Juan Dela Cruz - hindi dahil sa paghihiwa ng sibuyas kundi dahil walang mahiwang sibuyas sa kusina dahil sa taas ng presyo.
Ano nga ba ang ugat ng walang habas na pagtaas ng presyo ng sibuyas sa merkado?
May mga hakbang na bang isinasagawa ang pamahalaan para masolusyunan ang nakakaiyak na problema ng sibuyas sa bansa?
Show More
Samahan kaming talakayin ang isyung ito dito lang sa programang patuloy na naninindigan sa katotohanan, katarungan, at katuwiran. - Diyos at Bayan.
#DAB
#LTV











