DIYOS KA SA AMIN (LYRICS)
Ang mensahe ng awit na ito ay nagpapaalala sa atin ng kadakilaan at pagmamahal ng Diyos. Pinapahayag nito ang Kanyang walang hanggang kabutihan at katapatan sa atin. Sa lahat ng oras at panahon, nariyan Siya para sa atin, laging handang umalalay at gabayan tayo. Ang awit na ito ay isang pasasalamat at pagpupuri sa Panginoong Hesus, nawa'y lagi Siyang maitaas at madakila sa ating mga buhay.
DIYOS KA SA AMIN (LYRICS)
Song by Hope Filipino Worship
Cover by: CreatedToWorship316PH
Show More
Verse:
O Diyos, Ikaw ang tunay na dakila sa mundo
Ikaw ang Haring nagmahal ng tulad ko
Ginawa mo'ng lahat
Pag-ibig Mo ay tapat at wagas
O Diyos, walang papantay sa kabutihan Mo
Ang ngalan mo'y itataas sa buhay ko
Sundin ang loob Mo
Iparinig ang nais Mo
Chorus:
Sa lahat ng panahon, Diyos ka sa amin
Sa lahat ng oras, nariyan para samin
Panginoong Hesus, purihin ka!
Dakilain Ka sa buhay ko
Di nagbabago, Diyos ka sa amin
Tanging sandigan, nariyan para samin
Panginoong Hesus, maghari Ka
Magliwanag ka sa buhay ko
========================================================
Credits
Instrumental by Gershon Rebong
Youtube Channel: https://www.youtube.com/channel/UC8jzcuQHUhNUMQHD7MDBl5A
========================================================
Disclaimer:
This video is made for praise and worship purposes only. CreatedToWorship316PH does not own the lyrics and the song. All rights belong to its rightful owner/s.
#DiyosKaSaAmin
#tagalogworshipsong
#worship











