DOTr sa ‘punit passport’ incidents: Wala pang pruwebang may modus | NewsWatch Now
786 views,
NewsWatch Plus PH
1,440,000 views
Nabahala ang ilang netizens sa umano’y modus ng pagpunit o pag-tamper ng passport matapos harangin ang isang senior citizen na papuntang Indonesia dahil sa maliit na punit sa kanyang passport.
Pero iginiit ni Transportation Secretary Vince Dizon, wala pang ebidensyang may ganitong modus sa mga paliparan.
Aniya, mismong Denpasar Airport sa Bali ang tumanggi sa pasahero dahil sa sira ng kanyang passport.