EXCELLENCE! Bakit hindi pwede ang "Pwede Na”?
Pagod ka na bang mamuhay ng ordinaryo. Gusto mo bang mamuhay ng lagpas sa pangkaraniwang standard. Gusto mo bang makawala sa buhay na pwede na at maranasan mo ang kapangyarihan ng Diyos sa buhay mo?
Nakakalungkot kasi marami ngayun ang mga taong sumuko na sa buhay. Nasanay na mamuhay nalang na pangkarinawan.
Maaaring dati kang tagasunod ng Panginoong Hesus pero nag-giveup ka sa pananampalataya sa Kanya at bumalik sa alak, droga, babae at ngayun ay miserable ang buhay.
Show More
O kaya dati kang masunuring anak kaya lang sinuko mo ang paglakad sa katuwiran kaya hindi nagtaggal ay nabuntis ka ng hindi kinakasal, nagkaproblema sa kinakasama at ngayun gusto mo ng magpakamatay.
O kaya maaaring dati kang studyante na umayaw na sa pagaaral. Hindi nagtagal ay nagkaron ka ng limang anak, walang trabaho, at baon sa utang.
Maaaring isa ka dating matapat na empleyado na binawale ang integridad kaya ito ka ngayun nakulong dahil sa isang panloloko na ginawa mo.
O kaya isa kang dating tagapagturo ng Salita ng Diyos na tumigil sa paglilingkod at di nagtagal ay naging alipin ng kasalanan na dati ay kinamumuhian mo.
O kaya naman isa ka dating matapat na asawa na matapos ang maraming temptation ay isinuko mo na ang purity at nagdagdag kayo sa bilang ng mga dumadaming broken family.
Kaibigan Hindi ko alam kung anong klaseng sitwasyon ang meron ka ngayun.
Hindi ko alam kung ano ang gusto mong marating para sa iyong sarili pero kung magsisimula ka ulit at iaapply mo itong excellence na paguusapan natin ay magkakaron ka ng panibagong buhay sa tulong ng Diyos.
Ang Salita ng Diyos ay may mensahe ng pagasa sayo. Tandaan mo na walang imposible sa Diyos.
Maaaring pakiramdam mo ay spritually stuck ka na. Nabalahaw at di na makagalaw. Maaaring nagq-quite time ka, nagbabasa ka ng Bible, nananalangin, nagpapakita sa church, nakikipagkwentuhan sa mga kapatiran, minsan nagbabahagi ka pa nga ng pananampalataya mo. Pero sa kabila ng mga ito ay walang pagbabago sa buhay mo at wala ding pgbabago sa buhay











