FAITH, Bakit importante at paano ba lumakad ng may pananampalataya.
Nagkaron ka na ba ng pagdududa sa Diyos? Nagdududa ka ba kung totoo ba talaga Siya, o kaya nagdududa ka ba kung susunod ka sa pinapagawa ng Diyos sayo patungkol sa iyung marriage? Marahil Gusto mong makatiyak na kung susunod ka ba sa Diyos ay talaga bang irerestore ng Diyos ang iyung marriage, o kaya naman maaaring nagdududa ka na sasagutin ng Diyos ang iyung panalangin para sa pagbabago ng iyung anak, o kaya nagdududa ka na sumunod na gawin ang tama sa iyung negosyo o trabaho kasi iniisip mo kung susunod ka sa Diyos ay baka malugi ka o kapag naging straight na ang mga transakyon mo sa iyung customer at supplier ay hindi ka na kikita, o kaya nagdududa ka ba sa purpose ng Diyos sayo?
Kaibigan hindi ko alam kung paano ka nagdududa sa Diyos pero alam ko na kung patuloy mong gagawin yan ay
hindi mo nararanasan ang kapangyarihan ng Diyos sa buhay mo.
Show More
Maaaring kagaya ka ni Tomas na nagdududa sa Panginoong Hesus.
Sabi sa Juan 20:25 MBB05
“Kaya't sinabi sa kanya ng ibang mga alagad, “Nakita namin ang Panginoon!” Sumagot si Tomas, “Hindi ako maniniwala hangga't hindi ko nakikita at nahahawakan ang butas ng mga pako sa kanyang mga kamay, at hangga't hindi ko naisusuot ang aking daliri sa mga sugat na iyon at sa kanyang tagiliran.””
Wow kadalasan ay kagaya tayo ni Tomas na nagdududa sa Diyos. Bakit?
Kasi Ang mundo natin ay punongpuno ng mga taong negatibo at pagaalinlangan sa mga bagaybagay.
Now Bakit nahihirapan na tayong magtiwala? Kasi bihira na ang mga taong nagsasabi ng katotohanan. Normal na sa social media ang pagkalat ng fake news, ganon din sa ating gobyerno, hindi naman lahat pero nagiging normal na sa mga taong may katungkulan na mandaya at corrupt, tapos karamihan sa mga tao ay may kanyakanyang agenda para makapanlamang. At kahit na sa mga nagtuturo ng Salita ng Diyos ay may mga taong hindi malinis ang hangarin kung hindi may agenda na magkamal ng salapi. Kaya nga mapapansin natin na Ang pagsasabi ng totoo ay hindi na pinapahalagahan sa ngayun. Kaya ang











