FAITH RESULTING TO GOOD WORKS | NOT FAITH PLUS GOOD WORKS | ARJAYV TV #arjayvtv #inspiredlifestyle
"Oh kita n'yo na! Kailangan talaga ng GOOD WORKS para maligtas".
Kapag binasa natin itong mga verses na ito ay parang ganito ang lumalabas.
Pero sa totoo lang, kung aaralin talaga natin ang context at mga cross references,
ay sinasabi dito na ang FAITH ay nagre-RESULT ng GOOD WORKS. Kung may faith ka talaga, nakikita ito sa ating pananalita, gawa, pakikitungo sa kapwa, pagkatao, etc. RESULT siya.
Show More
Ang Faith natin kay Christ ang makakapag-save talaga sa atin at hindi ito sa ating mga gawa. Sabi iyan ng Ephesians 2,
8 Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya;
at ang kaligtasang ito'y kaloob ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng inyong sarili; 9 hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang dapat ipagmalaki ang sinuman.
At ang karugtong na verse 10, "Sapagkat tayo'y nilalang ng Diyos; nilikha sa pamamagitan ni Cristo Jesus upang iukol natin ang ating buhay sa paggawa ng mabuti. Iyan ang layuning pinili ng Diyos para sa atin noong una pa man".
So ang paggawa ng mabuti ay resulta na lamang ng ating pananampalataya kay Jesus. Na noon pa man ay nilikha sana tayo ng Diyos to do good works,
'e kaso nga nahulog ang tao sa kasalanan kaya nasira ang design ni God, na sana pawang mabubuti lang ang nagagawa ng tao.
Kaya si Lord, nagbigay ng grasya sa atin, nang ibigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak. And then, sa pagtanggap natin kay Jesus na Kanyang Anak, ay naibalik na tayo sa design na gumawa ng mabuti. Ang Holy Spirit ang tumutulong sa atin ngayon para lumayo na tayo at bumitaw na sa mga kasalanan at mga hadlang sa
kabanalan ng buhay. Tinutulungan din Niya tayo na magawa na natin ang kalooban ng Diyos, na layunin Niya sa atin, noon pa man, ang gumawa ng mabuti. RESULT TALAGA NG ATING FAITH KAY JESUS ANG GOOD WORKS.
Only Jesus can save us. Kaya kung walang nabago sa buhay natin matapos nating kilalanin si Jesus as Lord and Savior, e questionable ang faith natin.
Dahil sabi sa 2Corinthians 5:17," Kaya't kung











