Gaano kalawak ang Pagmamahal ng Diyos


Kaibigan sobra akong excited na ipaalam sa iyo na meron tayong special na series ngayong buwan na ito at syempre pag pinag-uusapan ang buwan ng February ang unang pumapasok sa ating isip ay love tama ba? At naisip ko na gumawa ng series patungkol sa pagmamahal bakit? kasi wala ng mas importante pa sa buhay natin kung hindi ang pagmamahal - kung mahal ka ng Diyos, minamahal mo din Siya at minamahal mo din ang iyung kapwa at ganon din naman nagmamahal sayo ang iyung kapwa hay ang sarap mabuhay diba. Pangalawa sobrang makapangyarihan ang pagmamahal. Ano ibig kong sabihin? Ang pagmamahal o pag-ibig ay may kapangyarihan na magbago ng tao. Ang isang tao na minahal ng isang tao sa paraan ng pagmamahal ng Diyos ay siguradong magbabago.

Ang taong minahal ng pagmamahal ng Diyos ay nag-iiba na at hindi na sila gaya ng dati. Nung natanggap ko ang pagmamahal ng Diyos at ng kapatiran sa akin kahit na akoy makasalanan, naku nagiba ang buhay ko.

Show More

Narealized ko na maraming tao ang binago ng pagibig. Isa na rito si John na alagad ng Panginoong Hesus.

Naalala ko sabi dun sa book of Luke ay pinadala noon ng Panginoong Jesus si James at John sa isang Samaritan village upang ihanda ang Panginoong Hesus ng matutuluyan. Kaya lang ay hindi sila tinanggap doon sa village na yon. Naku si James and John ay nagalit tignan mo ito ang sabi nila.
Luke 9:54
54 Nang makita ito nina Santiago at Juan, sinabi nila, “Panginoon, gusto ba ninyong magpaulan kami ng apoy mula sa langit upang sila'y lipulin [tulad ng ginawa ni Elias]?

Grabe ganito kainit ang ulo nila James at John. Pero nakita natin sa Bible kung paano sila minahal at pinagpasensyahan ng Panginoong Jesus at ito ang unti-unting nagbago sa kanilang ugali at buhay.

Narealized ko na sinasabuhay ng Panginoong Hesus yung sinabi Niya na hindi ako naparito upang hatulan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito. Naniniwala ako na itong ganitong klaseng pagmamahal ang isa sa mga natutunan at tinanggap nila James at John na nagpabago ng kanilang

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press