Gagawin ka Niyang matibay
Alam ng Diyablo na kung lubusan tayong kumakapit sa Diyos, mapalalakas tayo kaya palagi tayong inuusig ng Diyablo. Ayaw niya kasing kumapit tayo sa Diyos. Gusto niyang sumuko na tayo. Kaya kapag pakiramdam mo ay nasasagad ka na sa pisikal at emosyonal, huwag kang bibitiw sa Diyos. Lalo ka pang lumapit sa Kaniya, dahil PATATATAGIN KA NIYA, PALALAKASIN KA NIYA, GAGAWIN KA NIYANG MATIBAY (1 Pedro 5:10)











