Genesis 11:10-32 • Ang Walang Anak
Ang Diyos ang malayang nagpapasimula at makapangyarihang nagpapatuloy ng kanyang gawa sa buhay natin para ihanda tayo para sa mabuting gawaing itinakda niya para sa atin. Hindi man natin nalalaman ang lahat ng ginagawa ng Diyos, maging sa mga ordinaryong bahagi ng buhay natin, maging sa mahihirap na bahagi ng buhay natin, dapat tayong magtiwala sa Diyos na tapat at makapangyarihang gumagawa para tuparin ang kanyang plano sa buhay natin at sa pamamagitan natin.











