Ginusto Pero Di Pinursue | Spoken Word Poetry Tagalog | MERCY BLESS


MERCY BLESS

62 views

GINUSTO PERO NEVER PINURSUE
By: PLEN ROTAO
PRODUECED BY: MERCY BLESS

Nararamdaman ko
Sa bawat salitang binitawan mo
Malinaw at batid ng puso ko.
Oo, minahal mo ako.

Show More

Kaya ngat hindi ko mawari
Kung bakit mas iyong pinili
Ang lumayo at magkunwari
Sa akin ba ay may mali?

Lagi nalang bang ganito?
Nagugustuhan, Pero hindi magawang magtapat?
Kung kelan pa naman at nahulog na ako sayo.
Saka ka naman umiwas at lumayo.

Kaya heto at naguguluhan
Hindi ka mawala sa aking isipan
Nagtataka kung saan nga ba ako nagkulang
O kaya'y sumobra kaya iyong binitiwan.

Sana hindi nalang tayo nagkatagpo
Sana hindi mo nalang ginulo ang tahimik kong mundo
Payapa at masaya na sana ang puso
Kung hindi ka lang dumating para muling saktan ito.

Akala ko kasi ikaw na
Muling susugal na sana
Ngunit bakit kung kelan handa na
Saka ka naman biglang mawawala.

Kaya muli na namang babakuran ang puso
Yung hindi na maakyat ng kahit sino
Hindi na muling pagbubuksan ng pinto
Para hindi na masaktan sa dulo.

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press