Give Me A Sight O Savior Tagalog Version
Tagalog Hymns
24 views
Ipamalas Mo Sa 'Kin
Filipino Translation of Give Me A Sight O Savior
Words & Music by Katherine A.M. Kelly
Translation: Romy Endaya
Ipamalas Mo sa Kin
(Give me a Sight O Savior)
Show More
1. Ipamalas Mo sa ‘kin,
Kristo pag-ibig Mo
Na nagbunsod sa ‘Yong dalhin
Sala sa Kalbaryo.
Refrain:
I–paunawa sa ‘kin;
Tulungang limiin––
Kung ano sa ‘Yo,
Banal Ng Diyos,
Ang Maging Sala ko.
2. Ang pako nga ba Kristo
Ang nagkapit sa Krus?
Hindi kundi Pag-ibig Mo,
Sa ‘Yo du’y gu–mapos.
(ulitin ang Refrain)
3. Kamangha-manghang tunay
Na sa kamatayan
Lahat ko ngang mga sala’y
‘Yong pinagbayaran.
(ulitin ang Refrain)
4. Kaya’t nawa’y basagin
Yaring pusong bato;
Hanggang ganap Kang maangkin,
Na Mananakop ko.
(ulitin ang Refrain)











