God Calls the Weak
KaVlogger Bro. Joel Padilla
Sapagkat masdan ninyo ang sa inyo'y pagkatawag, mga kapatid, na hindi ang maraming marurunong ayon sa laman, hindi ang maraming may kapangyarihan, hindi ang maraming mahal na tao ang mga tinawag:
Kundi pinili ng Dios ang mga bagay na kamangmangan ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga marurunong; at pinili ng Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas;
At ang mga bagay na mababa ng sanglibutan, at ang mga bagay na hinamak, ang pinili ng Dios, oo at ang mga bagay na walang halaga upang mawalang halaga ang mga bagay na mahahalaga:
Upang walang laman na magmapuri sa harapan ng Dios.
Datapuwa't sa kaniya kayo'y nangasa kay Cristo Jesus, na sa atin ay ginawang karunungang mula sa Dios, at katuwiran at kabanalan, at katubusan:
Na, ayon sa nasusulat, Ang nagmamapuri, ay magmapuri sa Panginoon.
1 Corinthians 1:26-31
Kaya ano man ang kalagayan ninyo sa buhay mahirap man o mayaman, matanda man o bata, may asawa o wala, ang Diyos ay walang itinatangi ng tao basta ang mahalaga, kailangan mong dumependi palagi sa Diyos lalo na sa mga mahihinang kagaya natin. Dahil kaya kang palakasin ng Diyos sa kanyang kapangyarihan, awa, biyaya, at pag-ibig...