God is In Control: Pawiin ang Takot At Pagaalala


Kaibigan natatakot ka ba sa future? Na-realized ko na nakakatakot naman kasi talaga lalo na kung hindi mo alam ang mangyayari sa hinaharap. Nababalisa tayo kapag yung ating plano ay hindi nangyayari sa paraan na gusto natin. Kapag may nangyaring problema na hindi natin inaasahan at alam mo na wala kang kakayahan na masolusyunan ito ay ang tendency ay sumuko agad. Nakakalimutan mo na merong Diyos na nagmamahal sa iyo at Siya ang may kontrol ng lahat.

Nakakalungkot kasi maaaring nalapitan mo na ang lahat ng kakilala mo, nalapitan mo na din ang bumbay, ibinuhos mo na ang lahat ng lakas mo sa trabaho at iba pang sariling diskarte at narealize mo na teka may isa pa akong hindi nalalapitan. Susubukan ko naman ang Diyos. Kaibigan mabuti ito dahil na-realized mo na merong Diyos na pwede mo lapitan pero mas mabuti pa din na kung ano man ang iyung pagdadaanan ay ang uunahin mo ay ang Diyos. Bakit? Kasi Siya lang ang may kontrol ng lahat.

Show More

Kaibigan pwede kang kumain ng tama, mag-exercise pero hindi mo kayang itakda ang araw ng iyong buhay dito sa lupa. Kapag tinamaan ka ng sakit doon mo mare-realize na wala kang magagawa para pigilan ito. Yung outcome ng lahat ng effort mo ay hindi manggagaling sa iyong will power. Pwede kang magsipag sa trabaho, pwede kang magaral mabuti, pwede mong gawin kung anong gusto mong gawin pero yung outcome at consequence ay wala sa iyung kontrol.

Kaya nga kailangan nating ipaalala sa ating sarili na yung kontrol ay wala sa atin. Na pati ang buhay natin at ang lahat ng meron tayo ay ang kontrol ay nasa Diyos. Ang ibig sabihin ay ang lahat ng nangyayari, ang lahat ng tao, ang lahat ng bagay, nakikita o hindi nakikita ay nasa kamay ng Diyos. Ang tawag dito ay sovereignty. Kapag sinabi nating ang Diyos ay sovereign ang ibig sabihin ay walang mangyayari na kahit anong bagay na hindi niya alam at na hindi niya pinapayagan. Hindi siya magugulat at sasabihin Niya ay sorry hindi ko ini-expect ito, hindi ko ito nakita, nabigla din ako sa nangyari. No,

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press