GOOD FRIDAY STATEMENT | SEMANA SANTA 2025 | QUIAPO CHURCH


Quiapo Church

1,509 views

ππ€ππŽπŽπ‘πˆπ: Ang pahayag ng ating Kura Paroko Rdo. Pd. Ramon Jade Licuanan ang katatapos lamang na isinagawang prusisyon ng Poong Jesus Nazareno ngayong araw ng Biyernes Santo

Naisagawa po ng Basilika Menor at Pambansang Dambana ni Jesus Nazareno ang Prusisyon ng Semana Santa 2025 na tumagal ng labing isang oras at alawamput-anim na minuto. Nagsimula noong alas 11:15 ng Huwebes Santo ng Gabi hanggang 10:45 ng Biyernes Santo ng umaga.

Show More

Dinaluhan po ito ng mahigit kumulang 532,000 na deboto mula sa ibat- ibang lugar sa Pilipinas. Wala pong naitala na insidente kaugnay ng Peace and Order, Safety, and Security.

Mayroon pong 1,152 medical cases; 9 po rito ang dinala sa ibat-ibang ospital ng DOH sa Maynila. Base po sa ulat, 3 ang nasa malubhang kalagayan.

Kasalukuyan pong tinitipon pa ng mga kinatawan ng Quiapo Church ang detalye ng kanilang kalagayan, at patuloy po kaming magbibigay ng karagdagang impormasyon sa pangyayari.

Nagpapasalamat po ang Simbahan ng Quiapo sa pamunuan ng ibat-ibang ahensya ng pamahalaan, mga volunteers, at mga deboto na nagsikap itaguyod ang banal, maayos, at ligtas na pagdiriwang ng Semana Santa 2025.

Buo ang pag-asa, sama-sama nating salubungin ang maluwalhating Pasko ng Pagkabuhay ni Jesus nang may panibagong sigla sa pananampalataya, pagkalinga sa kapwa, at mabuting pananaw sa buhay.

#GoodFriday #BiyernesSanto #HolyWeek #HolyWeek2025 #SemanaSanta #MahalNaAraw #Nazareno #JesusNazareno #NuestroPadreJesusNazareno #PoongHesusNazareno #SimbahanNgQuiapo #BiyayaSaQuiapo #EverythingIsGrace #Catholic #Katoliko #ArchdioceseOfManila #MinorBasilicaAndNationalShrineOfJesusNazareno

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press