👉Hala! Pastor nagkakalat ng FAKE NEWS. Lahat na larawan ay bawal?
#FAITH #SEEKING #UNDERSTANDING #ONECFD #oncesavedalwayssaved #signofthecross
Bakit ang mga larawan ni Cristo at ng mga Santo ay hindi diyus-diyosan?
Maraming mga sektang walang alam sa Theology of iconology at sacred images ang walang sawang bumabatikos sa Santa Iglesia Katolika at pinararatangan na tayo ay sumasamba sa mga diyus-diyosan. Sabi nila, ang mga rebulto at larawan o imahen daw ng mga Santo, ni Maria at maging si Cristo ay mga diyus-diyosan di umano.
Pero may katotohanan ba ang sinasabi nilang ito?
Show More
Ang sagot ay wala. Ang kanilang mga paratang at alegasyon patungkol sa mga marangal na larawan ng mga banal ay walang batayan sa banal na kasulatan. Malinaw po kasi na tinutukoy mismo ng Biblia ang katangian ng isang larawan o imahen upang ito ay tawagin mong diyus-diyosan. Ganito ang mababasa natin sa Biblia:
1 Corinthians 8:4
"But as for the meats that are sacrificed to idols, we know that an idol is nothing in the world and that there is no God but one."
See? Ang idol pala o diyus-diyosan ay isang bagay na hindi totoo o larawan ng mga bagay na hindi existing sa mundo o mga kathang isip lamang.
Kaya hindi po diyus-diyosan ang mga Santo, si Maria at lalong-lalo na ang Panginoon, sapagkat sila po ay totoong nabuhay sa mundo. They really existed in this world at isang katampalasan na sabihin na ang kanilang mga larawan ay diyus-diyosan sapagkat para na nilang sinabi na sila ay mga kathang isip lamang.
Eh sino ba ang mga diyus-diyosan na tinutukoy sa Biblia? Eto po ang ilan sa kanila:
BEL AT MERODAC - Jer. 50:2;
Si Bel at ang Dragon 1:3
BAAL AT MGA ASTARTE - Hukom 10:6
DAGON - Hukom 16:23; 1Chro 10:10
BAALZEBUB - 2 Hari 1:2
ASHERA - 2Hari 13:6
ARTEMIS / DIANA - Act 19:27; 37
NISROC - 2Hari 19:37
GUYANG GINTO - Awit 106:19; 1Ki 12:28
TEMPLO NI RIMON - 2Hari 5:18
BEL AT NEBO - Isias 46:1
QUEMOS - Jer 48:7
ASTARTE - 1Sam 7:3
ZEUS, HERMES - Gawa 14:12-13
MOLOCH-Leviticus 18:21, 20:2
Ayan naman pala. Ang mga iyan po ay mga diyus-diyosan na tunay sapagkat sila











