HANGGANG DULO | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS
MERCY BLESS
HANGGANG DULO
BY: Aj Yamomo
VOICE: MERCY BLESS
may mga bagay sa mundo na dadating mawawala dadating mawawala
na naging parte na ng buhay natin
lalo't, lalot sa mga taong umiibig.
Show More
kagaya, kagaya ko na may mapait na nakaraan pero laking pasasalamat at
ako'y nagpapasalamat sa may kapal dahil, dahil ako ay iniwas nya sa maling daan
upang makita ang aking sarili upang makita nya akong maging masaya at maligayang muli
dahil ako'y nakakilala sa hindi inaasahang segundo minuto oras at araw
ng isang taong di ko din inaasahan na makikilala ng lubos
at hindi ko din inaasahan na ako pala ay mahuhulog at mapapa-ibig ako ng sobra sa taglay nya
ikaw ang nakaukit sa aking dibdib ang sumara sa aking mga sugat
ikaw ang pumunas sa mga basa kong mata ang nagtuyo sa mga basa kong unan
ikaw ang naging higaan at nagging pahinga
nagsimula sa hindi magkakilala
at hindi inaasahan na mahuhulog.
sa isang katulad mong sobra akong napahanga
napahanga sa iyong mga abalilidad
hindi lang sa panlabas kundi pati na rin sa panloob na ugali na meron sya.
hindi ko inaasahan na ako'y mapapa-ibig sa isang tulad nya
lumipas ang mga araw, linggo, at buwan, kami'y masayang nagsisismula sa biro't asaran, tawang siyang dahilan, kung ano man ang namamagitan sa aming dal'wa.
sayang nararamdamang di maitago tago,
na sobra akong nagpapasalamat sapagka't ika'y aking nakilala.
hanggang sa nagkaroon ng salitang ikaw at ako,
na di namamalayan na tadhana na yata ang kumikilos.
upang ang dalawang puso ay mahulog nang lubos.
ikaw ang dahilan ng mga ngiti sa labi.
ikaw ang dahilan kung bakit ako'y laging masaya't nakangiti.
ikaw ay nagiisa lang sa aking puso.
na kailan man 'di matutumbasan ng iba.
ikaw ang nagbibigay ng liwanag sa madilim kong mundo.
ikaw ang isa sa mga dahilan upang ako'y sumaya muli.
buhay ko'y binigyan mo ng kahulugan.
at ako'y umaasa na, kasama kang tumanda.
dahil ang ikaw at ako ay nag mamahalan
at hanggang sa wakas sabay nating papanindigan
Hi guys... Thank you for visiting my YOUTUBE.











