HANGGANG KAIBIGAN NALANG | SPOKEN WORD POETRY| MERCY BLESS


MERCY BLESS

266 views

Isang normal na araw ang aking inaasahan.
Ngunit di sinasadya dito pala mag uumpisa ang lahat.
Nung nakilala kita, hindi ko inakala
Na ang aking mundo ay magagambala.
Isang pag kakataon ang hindi sinasadya
Na mag umpisa mahulog ako bigla.
Wala naman talaga balak na mahulog nung una.
Pero bakit kase tuwing nanjan ka, ako'y natutuwa na.
Akala ko nung una, wala lang lahat
Napagtanto ko na ako pala'y maling akala
Paano ba umiwas? Paano ba makalaya?
Tayo ay pinagtagpo ngunit di tinadhana
Sana nung palang, ay hindi na naniwala
Sa aking isipan na puno ng kasinungalingan.
Ngayon tuloy ako'y nasasaktan
Sa katotohanang hindi mangyayari ang inaasam.
Paano ko ba sasabihin
Ang mga salitang gusto kita
Kahit anong gawin
Kahit anong isipin
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin
Oo gusto kita
Oo ako ay tuluyan na nahulog na nga
Ang aking nararamdaman
Tila yata mahirap ng pigilan.
Oo ako'y tanga
Oo na padalos dalos na
Masisisi mo ba
Ang puso ko na tumitibok ng kusa?

#spokenpoetrytagalog

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press