HANGGANG SAAN | SPOKEN POETRY | MERCY BLESS - COLLAB FOR ALL
MERCY BLESS
Voice and Edit by : MERCY BLESS
By: Mark Dave Faner
Hindi ko alam kung hanggang saan,
hindi ko rin alam kung kaya ko pa,
kung kakayanin ko pa,
hanggang saan nga ba kita kayang kukulitin,
Show More
hindi lang iisa,
napakaraming nagsasabing "pwede tayo ulit"
takot ako na maagaaw ka ng iba
dahil alam kong hindi mo naman ako hahabulin,
oo alam ko kaya mong mabuhay na wala ako,
alam kong kahit mawala ako patuloy parin ang buhay mo,
siguro kaya nga takot akong ipakita nasasaktan ako
dahil alam ko sasabihin mo lang ang drama ko
ang arte ko,
kapag sinabi kong di pwede
sa isang bagay na pinagpapaalam mo
isa lang isususmbat mo "
sana di nalang pala ako nagpaalam"
kaya ako tatahimik nalang para wala ng away
para di na humaba..
kalaunan kahit mabigat sa dibdib
tuloy ka parin kahit alam mong ayuko
akala ko dahil sa pananahimik okay lang ang lahat,
buong akala ko dahil sa pag iwas na wag pahabain
ang usapan na di magkasundo
ay ayos lang
akala ko okay lang di pala.
hindi rin pala okay, dahil sa paglipas ng panahon
ang pananahimik ay napuno sa dibdib,
parang isang bulkang nais sumabog,
akala ko kaya ko, kaya ko habang buhay
ngunit mali pala,
napapagod rin pala ang puso
umintindi at magpasensya
may hangganan din pala ang pagtitiis,
sumusuko rin pala ang puso,
patawad kung ang akala ko hanggang dulo ka
kayang mahalin ng puso
ngunit ngunit hindi pala..
patawad kung napagod akong intindihin
at mahalin ka
patawad sa pagsuko
maaring hindi lang talaga tayo
ang nakalaan hanggang sa dulo
maaring dumating lang ako sa buhay mo
para matuto
na ang pagsuko ay isang bagay
na sa akin ay magpapanalo
Kaya patawad
Dahil sumuko
Music: https://youtu.be/BA7j67QEeVc











