HARAPIN MO ANG MGA PASUBOK SA BUHAY | JSB HEARTENING
Video Title: HARAPIN MO ANG MGA PASUBOK SA BUHAY | JSB HEARTENING
MAGPATULOY KA KAHIT NAWALAN KA
Show More
Oo alam kong mahirap bumangon ulit, mahirap magpatuloy kung halos lahat ng mga bagay na gusto mo, o ang mga taong mahal mo, ay mawawala sa 'yo. Oo alam ko kung gaano kasakit ang mawalan. Pero hanggang diyan na lang ba tayo? Nangyari na ang lahat. Ano pa ba ang magagawa natin sa mga panahong nangyari na? Wala ka ng magagawa dun dahil hindi mo kontrolado ang tao na lumayo sa 'yo. Hindi mo makokontrol ang panahon na kunin ang nakasanayan mong gawin. Pero ito ang gagawin mo, gamitin mo ang KAWALAN para UMUNLAD ka sa buhay. Para MATUTO ka pa. Para lumawak pa ang KARUNUNGAN mo. Para na rin BAGUHIN ang iyong paniniwala sa buhay. Para malaman mo kung paano ba magmahal. At kung sino ba ang dapat na pagkakatiwalaan. Dahil sa oras na gawin mo 'to, makakalikha ka ng PANIBAGONG BUHAY. Ikaw na ang bahala kung paano mo gagamitin ang KAWALAN na 'yan. 'Wag kang magmukmok. Pwede ka namang umiyak dahil siyempre nawalan ka ng importanteng tao o bagay, pero hindi pwedeng manatili ka sa buhay na ganyan. But if you choose not to do these things, this advice, it will lead to a depressive state. Hindi mo gustong ma-depress, 'di ba? Kaya't ang tanong ko sa 'yo, MAGPAPATULOY ka ba dahil gusto mong umunlad o mananatili ka lang ganyan kahit alam mong wala kang mapapala sa kalagayan na 'yan? Ikaw lang ang makakapagdesisyon niyan. Hindi ko naman hawak ang buhay mo. Nagbibigay lang ako ng payo sa 'yo dahil ayokong mabibigatan ka.
TRANSCRIPT: https://bit.ly/3SzdhPV
=== Mokka - No Copyright Music
(No Copyright Music) Emotional Orchestral Trailer by MokkaMusic / Last Hero
#FaceYourChallenges #NeverGiveUp #JSBHeartening











