HIGHLIGHT VIDEO | 2ND BALANGAY NATIONAL CONFERENCE | QUIAPO CHURCH
Quiapo Church
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ | ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian, Cardinal Jose F. Advincula, Arsobispo ng Maynila, ang Banal na Misa kahapon, ganap na alas-3 ng hapon sa Cuneta Astrodome, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 2nd Balangay National Conference.
Show More
Bago ang Banal na Misa, isinagawa ang isang Mini Procession ng Imahe ng Poong Jesus Nazareno, na pinangunahan ng mga Spiritual Directors na dumalo sa 1st National Conference of Spiritual Directors noong Oktubre 8โ9, 2026.
Naging makabuluhan ang pagtitipon sa pamamagitan ng pagbabahagi ni Coach Mimo Perez, na nagbigay ng inspirasyon at aral sa mga dumalo. Isa rin sa mga tampok at hinihintay sa programa ang paglulunsad ng Nazareno 2027 Logo, na sumisimbolo sa patuloy na paghahanda para sa nalalapit na Traslacion 2027.
Kasama rin sa mahahalagang bahagi ng programa ang panunumpa ng mga pangulo at miyembro ng mga dumalong Balangay affiliates, bilang pagpapahayag ng kanilang pagkakaisa, paninindigan, at dedikasyon sa patuloy na paglilingkod sa Simbahan.
Sa kabuuan, muling pinagtibay ng pagtitipong ito ang diwa ng pagkakaisa, pananampalataya, at paglilingkod ng mga deboto bilang paghahanda sa makabuluhang pagdiriwang ng Traslacion 2027.
ยก๐๐ข๐ฏ๐, ๐๐จ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ฎ๐ฌ ๐๐๐ณ๐๐ซ๐๐ง๐จ!
#BalangayNationalConference #Nazareno2027 #Traslacion2027 #QuiapoChurch #PoongJesusNazareno #DebotoNgNazareno











