HILOM | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG HUGOT | MERCY BLESS
MERCY BLESS
HILOM
By: Jessica Pomasin Bula
Kapirasong ballpen at papel nanaman ang hawak
Habang nakatanaw sa kalangitang malawak
At unti-unting bumabalik ang mga alaala
Kung pano at saan ang lahat ay nagsimula
Show More
Isang simpleng babae lang naman ako
At nakatagpo ng taong tulad mo
Na naging kasama sa pagbuo ng mga pangarap
Dahil para sa akin ikaw na ang makakasama sa hinaharap
Mula ng makilala ka unti-unting nagbago
Kung pano ko tingnan at harapin ang magulong mundo
Dahil sa pagmamahal na ipinaparamdam mo
Naniwala na pwedeng mabuhay ng simple at kontento
Ang mga mabibbigat at pinagdadaanan
Dahil sa pagmamahal mo lahat ng yun ay nagiging magaan
Wala na akong mahihiling at ibang gugustuhin
Kundi ikaw at ikaw lang sa huli ang pipiliin
Inakalang panghabang buhay na ang lahat
Kung anong mayroon tayo, wala namang sumasalungat
Ngunit napagtanto kung panaginip lang pala
Dahil ang lahat ng iyon ay isa na lamang alaala
Unti-unti akong nagising sa katotohanan
Dahil sa kasalukuyan mag-isa akong lumalaban
Na mapawi ang sakit na dulot mo ng ako’y iyong iwanan
Ng kahit walang anumang paalam
Heto ako, mag-isang naglalakbay nanaman sa madilim na daan
At paulit-ulit pinupunasan ang mga matang luhaan
Habang umaasang magagamot ang pusong sugatan
Ng walang kahit anong tulong mula sa sinuman











