Himig Heswita Medley


JesCom Music

297 views

Featuring Laarni Lozada with
Kim Dominik Sarmiento

Sa'Yo Lamang
Manuel V. Francisco, SJ

Show More

Puso ko’y binihag mo sa tamis ng pagsuyo, tanggapin yaring alay, ako’y Iyo habang buhay.

Anhin pa ang kayamanan, luho at karangalan, kung ika’y mapasakin, lahat na nga ay kakamtin

ALL Refrain:
Sa ‘Yo lamang ang puso ko,
Sa ‘Yo lamang ang buhay ko, kalinisan, pagdaralita, pagtalima, aking sumpa.

Tanging Yaman
Manuel V. Francisco, SJ

Ika’y hanap sa t’wina nitong pusong ikaw lamang ang saya, sa ganda ng umaga, nangungulila sa ‘yo, sinta.

ALL Refrain
Ikaw ang aking tanging yaman na di lubusang masumpungan. Ang nilikha mong kariktan, sulyap ng ‘Yong kagandahan.

Panunumpa
Jboy Gonzales, SJ

Ikaw lamang ang pangakong mahalin, sa sumpang sa iyo magpakailanpaman yakapin mong bawat sandali ang buhay kong sumpang sa’Yo lamang alay, at mapapawi ang takot sa ‘kin pagkat taglay lakas mong angkin

ALL Bridge:
Ikaw ang siyang pag-ibig ko. Asahan moa ng katapatan ko. Kahit ang puso ko’y nalulumbay, mananatiling ikaw pa rin.

ALL Refrain:
Ikaw lamang ang pangakong mahalin sa sumpang sa iyo magpakailanpaman.
Yakapin mo, bawat
sandali ang buhay kong sumpang sa ‘yo lamang alay.
At mapapawi ang takot sa ‘kin. Pangakong
walang hanggan….

At mapapawi ang takot sa ‘kin, pagkat taglay, lakas mong angkin.

FINALE:
ALL Refrain:
Sa ‘Yo lamang ang puso ko,
Sa ‘Yo lamang ang buhay ko, kalinisan, pagdaralita, pagtalima, aking sumpa.

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press