Hindi Ba Nabubulok? TUKLASIN ang HIMALA ni Sister Wilhelmina!
Adrian Milag TV
Mga Ka-Faith, maligayang pagdating sa isa pang episode dito sa Adrian Milag TV! Ngayon, magbabahagi ako ng isang kamangha-manghang kwento na pumukaw sa interes ng buong mundo at nagbigay ng bagong pag-asa sa ating pananampalataya.
Noong Abril ng nakaraang taon, isang hindi pangkaraniwang pangyayari ang naganap—ang pagkakadiskubre ng hindi nabubulok na katawan ni Sister Wilhelmina Lancaster matapos ang apat na taon mula ng kanyang pagpanaw. She was found in a condition that was “highly atypical,” ayon sa mga eksperto, at walang kahit anong palatandaan ng pagkabulok ang kanyang katawan kahit walang embalming o anumang special treatment!
Show More
Sa episode na ito, ibabahagi ko sa inyo ang mga bagong updates mula sa medical examination na isinagawa sa katawan ni Sister Wilhelmina, at kung ano ang naging reaksyon ng komunidad ng mga Katoliko tungkol dito. Matutunghayan ninyo ang pagninilay natin sa kahulugan ng mga himala, ang papel ng mga santo sa ating buhay, at kung bakit hindi natin sinasamba ang mga ito, kundi itinuturing silang mga kaibigan at gabay sa ating paglalakbay patungo sa Diyos.
Mga Ka-Faith, samahan ninyo ako sa isang makabuluhang talakayan at pagninilay tungkol sa kahalagahan ng pananampalataya sa ating buhay at ang mga inspirasyon na dala ng mga kwentong tulad ng kay Sister Wilhelmina. Alamin kung ano ang ibig sabihin ng himala na ito para sa atin, at paano tayo pinapalakas nito sa ating faith at mission bilang mga alagad ni Kristo.
Maraming salamat sa inyong panonood, mga Ka-Faith! Huwag kalimutang mag-like, mag-comment, at mag-subscribe sa Adrian Milag TV para sa higit pang mga videos na puno ng inspirasyon at espiritwal na gabay. Let’s stay strong in faith together, lalo na sa harap ng mga pagsubok at hamon ng buhay.
Support Us on Patreon for Early Access:
• Become a Patron and get early access to exclusive content: https://www.patreon.com/adrianmilag
Plus, don’t miss out on my eye-opening interview with Chloe Cole where we discuss faith, identity,











