HINDI INAASAHAN | SPOKEN WORD POETRY | TAGALOG


MERCY BLESS

208 views

HINDI INAASAHAN
BY: Nathaniel Manlongat
PRODUCED BY : MERCY BLESS

sa isang iglap bigla tayong pinag layo ni tadhana,
hindi biro ang bawat kilometrong layo upang ika'y aking hindi makita,
kailangan pa bang ako ay mangulila,
anong karapatan ko upang sitahin ang naka tadhana,
patawad sa aking pag layo,
hindi ko ito inaasahan kaya't ako'y napa tayo,
pinag masdan nalang ang paligid pakiramdam ko kasi ako'y binato,
napakapalas ng umihip sa akin na hangin tila ba ito'y bagyo,
sana walang mag bago,
pakikitungo natin sa isa't isa ay mas pag tibayin lalo,
bigyan ng dahilan ang ating sarili upang hindi sumuko,
huwag nating hayaan na ang mga pangako ay mapako,
marahil napag laruan nga tayo ng tadhana,
ngunit binibini sana asa agos niya ay wag kang sumama,
hayaan mong pumarito ka at pakingan ang aking kanta,
na nag susumamong huwag kang aalis aking sinta,
marahil isa itong pag subok,
isang bagay na tayo ang itinadhanang iluklok,
parang isang baril na sa atin ay itinutok,
isang malalim na pag lunok,
kaya sana binibini,
ako ay pakingan,
maniwala ka sana sa aking mga salita na walang hanganan,
lahat ng yon ay pwede mong sandalan at pang hawakan,
basta't huwag ka lang bibitaw napa mahal na ako sayo ng lubusan naging statuwa na ako sa
iyong harapan na para bang ayoko ng umalis nai tali na ako sa iyong isipan at hindi ko na ito
kailanman bibitawan.

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press