HINDI KO MASABI | SPOKEN WORD POETRY| MERCY BLESS


MERCY BLESS

118 views

Hindi ko man masabi
BY: PLEN ROTAO
Produced by: MERCY BLESS

ikaw ang nais kong makasama,
sa pagsalubong ng bawat umaga
ibig kitang ipaghanda ng kape na ako mismo ang magtitimpla

Show More

gusto kita makatabi habang pinagmamasdan ang buwan.
sabay nating bibilangin ang mga bituin sa kalangitan.
papakinggan ang hiling sa kalawakan
ikaw lang ang nais na mahagkan.

wala ng ibang nanaisin
kundi  iyong mapansin.
sana iyong damhin
ang aking nais iparating
na ikaw lang ang laman ng bawat panalangin.

habang naglalakad, ikaw ang nakikitang makakasama
sabay nating lalakbayin ang landas na magkasanga
na hindi man alam kung saan sa dalawa
ang tatahakin ng ating mga paa, 
walang magiging alinlangan sapagkat nariyan ka.

marahil hindi pa malinaw ang lahat
hindi pa mabasa kung ano man ang nakasulat.
maaaring magiging salungat ang pagkakaunawa sa kung ano man ang nararapat
ngunit kailangan ng magtapat.

hindi ko man masabi ng tuluyan
ngunit ikaw lang ang nakikita kong hangganan
ang tanging dahilan, ang patutunguhan.
ang aking pahinga, at syang aking tagpuan.

mahirap bigkasin ang nais na ipadama
ngunit ikaw lang ang nais makasama sa pagtanda
hindi man masabi ng diretsa
sana sa pamamagitan nitong tula
ay malaman mo na ikaw ang dahilan ng nadaramang saya.

ang nais kong sabihing mga kataga.
ay mahihinuha matapos ang dalawampung salita,
mula sa unang linya nitong pyesa.
yun ay ang unang siyam na letra sa ikalawang saknong nitong tula.

hindi ko man masabi, pero oo yun na nga.

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press