Hindi mawawala ang problema
Kung isa ka sa mga taong naghahangad na sana'y wala ng problema, masasaktan ka lang sa sampal ng katotohanan. Dahil hindi 'yan mangyayari. Ang problema ay parte na ng ating buhay. Yung taong tinanong mo kung ayos lang ba siya, siyempre sasabihin niya na ayos lang siya. Pero ang totoo, may problema ang taong 'yon. Kahit napakarami mong pera, may iba't-ibang isyu ka pa rin sa buhay. Kahit gaano ka pa kayaman, may problema ka pa rin. Hindi naman NEGATIBO ang problema. Depende na ito sa tao kung paano niya binigyang kahulugan ang problema niya. Ang problema ay nakakapagpabalanse ng ating buhay. Ang problema ang dahilan kung bakit tayo nagsisikap sa buhay. Problems are a part of life, but nothing is permanent in life. For every end, there is a new beginning. Change is the only constant.
=== Music used
Piano Music - Falling - Royalty Free
Link: https://youtu.be/BHNTfat68pk











