HINDI NA DAPAT MALAMAN PA | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG HUGOT | MERCY BLESS
MERCY BLESS
Hindi na dapat malaman pa
By: PLEN ROTAO
Hindi mo na kailangang malaman.
Kung ano man tong nararamdaman,
Alam kong lilipas rin lang.
Kayat hindi na dapat malaman.
Pero bakit ang bigat sa pakiramdam?
Show More
Araw-araw kang nakakasama.
Nilalabanan, pilit iniiwasan.
Pero papa saan at ikaw parin ang babalikan.
Hinahanap sa kawalan.
Ikaw ang syang tanging nakikita,
Sa lawak man din ng kalawakan.
Gamit ang musika ay aking tinangka
Na sabihin sayo ang mga kataga.
Pero mistulang sintunado,
Hindi nagtuma ang tono,
Malinaw ang bawat liriko.
Ngunit hindi mo nabatid ang ibig sabihin nito..
At aking napagtanto..
May iba palang musika sa'yong puso
Yung syang tugma at kabisado
Bawat pintig ay pawang kalkulado
Hindi angkop ang ating musika,
Hindi nagtugma ang ating mga mata.
Titingnan ka ng masinsinan
Na kung iyo lang sanang mapapakinggan
Sa mga mata ko ay iyong malalaman,
Na ikaw ang tanging hinihiling sa kalawakan.
Ang syang tanging dahilan
Kung bakit araw-araw akong lumalaban
Sa digmaang walang kasiguraduhan.
Ngunit pagdating sayo, muling susubukan.
Alam kong matatalo.
Hindi kita kayang maipanalo.
Ngunit kahit ganoon, masaya ang puso.
Masayang mamahalin ka ng patago
At susuportahan sa lahat ng ginagawa mo.
Sa ganoong paraan kita iibigin.
Patago, palihim ngunit ikaw lang din.
Hindi man masabi ngunit ipaparamdam
Sa tabi mo lamang..
Dito lang ako,
hindi magpapaalam.
Kaya't araw-araw kong ipapa alala,
Sa sarili at sa puso na;
Hindi mo na dapat malaman pa.
Hindi kailangang pag isipan pa.
Kung ano man tong nadarama,
Ako muna, sa akin nalang muna.
Hanggang tuluyan na kitang mapalaya.











