HINDI NA MAARING IBIGIN KA | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG HUGOT | MERCY BLESS


MERCY BLESS

107 views

"Hindi na maaaring ibigin ka"
Spoken Word Poetry
By:Ian Joshua Ejar
PRODUCED BY: MERCY BLESS

Ayaw ko na na muli pang umasa,sa pag ibig na minsan na akong nasaktan ng sobra.
at hindi ko na ipipilit pa ang mga bagay na tapos na dahil ikaw ay pagmamay-ari na ng iba.
Gustuhin ko man na muli kang ibigin ay hindi na maari dahil ayaw ko nang muling masaktan pa
at mas lalong ayaw ko nang muling maiwang mag-isa na minsan nang naging dahilan ng
pagbagsak at pagdaloy ng mga luha
Kaya mas pinili ko ang dumistansya at panandaliang lumayo muna sayo.Upang limutin ka at
ang lahat ng ating mga ala-ala na isinulat nating magkasama na siyang gumigising sa bawat
umaga,at nagpapaalala sa bawat twina,nong mga araw na tayong dalawa'y masaya pa.
Ngunit sa muling nating pagtatagpo at sa muli mong pagbabalik hindi ako umasa na muling
mabubuhay ang lahat ng ibinaon kong mga ala-ala,mga ala-alang parti ka ng aking kabanata.
muling tumibok ang puso nong araw na muli tayong magkita sa lugar na kung saan kita unang
nasilayan at minahal ng lubusan.
Doon ko nasabi sa sarili ko na 'di ko pa kayang limutin ka na 'di ko pa kayang bitawan ka, kahit
ikaw ay nasa piling na ng iba.
Hindi ko pala kaya dahil hangang ngayon mahal na mahal parin kita.
Music :
https://youtu.be/m14u13V2bFM?si=Ne8n4ZXe_7u4cjXG

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press