HINDI PA NGAYON | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS


MERCY BLESS

181 views

𝐅𝐄𝐁 πŸ’ π‡π”π†πŽπ“
By: PLEN ROTAO

ilang araw narin, mula nung huli kitang makita.
sabi ko, baka mas mabuti na yung ganito,
baka sakaling mas mabilis kitang makalimutan.

Show More

pero hindi.
sa bawat araw, hindi ko maiwasang
hanapin ka ng mga mata ko.
hindi ko namamalayang,
hindi kumpleto tuwing walang ikaw
na nasusulyapan ko.

ikaw yung hinahanap,
naaalala kita;
bigla nalang kitang naiisip
minsan pa nga, nasa panaginip.

hindi ko akalain na,
sa mga araw na wala ka,
mas lalo lang kitang mamahalin.

teka lang, mahal na nga ba kita?
kasi nung una, hindi pa sigurado,
hindi pa maamin ng puso.

pilit kong nilabanan,Β 
pero oo, hindi lang kita gusto,
mahal ka na nitong puso ko.

nakakatawa diba?
kung kelan pa tayo hindi madalas magkita,
doon pa kita mas lalong pinangarap,
mas lalong hinanap hanap.
sumusulyap, baka nandyan ka lang.
pero wala.

nasaan ka na ba?
ok ka lang kaya?
ilang beses akong bumalik
sa kung saan tayo unang nagkatagpo,
nagbabakasakaling sa muli kong pagbabalik
nandyan ka na.

ngunit wala. lumipas ang mga araw
hanggang umabot ng ilang buwan.
wala ng ikaw,
wala na pala..
kahit kailan,
hindi na kita makikita pa.

paalam, baka hindi pa ngayon.
baka sakaling sa ibang panahon,
tayo naman ang papanigan ng pagkakataon.

Music Produced by:
https://youtu.be/ifX8cy_TKFA

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press