Hindi Pwedeng Wala kang SELF-DISCIPLINE sa Pagabot sayong Goals
Naitanong mo na ba sa sarili kung bakit hanggang ngayun ay hindi mo pa din naabot ang gusto mong maabot? O kaya nagtataka ka ba kung bakit may mga tao sa iyung pamilya, kamaganak, kaibigan, o kaya sa trabaho o sa ministry ang hindi nagtitiwala sayo? Narealized ko na sa larong basketball ay merong teammate na hindi masyadong nagagamit sa laro. Kasi inaasahan ng coach na kapag pinasok sila sa laro ay pinaghahandaan nila ito. May mga disiplina silang dapat na ginagawa gaya ng pagsasanay mag-shoot at mag-dribble arawaraw ke may praktis o wala. Tapos Pinapalakas nito ang kanyang katawan sa pamamagitan ng pag-exercise, tamang pagkain, pagiwas sa bisyo at pagpupuyat. At nakikita ang bunga ng disiplina na ito sa kanyang laro kaya kapag ang isang manlalaro ay nagkakalat o hindi maibigay ang 100% performance ay hindi ito pinagkakatiwalaan ng coach na ipasok sa laro. Bakit? Hindi dahil sa kulang sya sa galing, dahil magaling naman sya talaga kaya nakuha sya sa team pero ang problema ay kulang sya sa disiplina.
Natealized ko na Ang commitment, disiplina at strict training ay kinakailangan din sa ating buhay upang makapamuhay tayo na pang championship level.
Show More
Si Jenny Thompson ay isang kilalang Olympian swimmer. Nanalo sya sa olympic ng labindalawang medal. At walo sa labindalawang medal ay gold medal. Pero para maabot nya yun ay kinailangan nya ng matinding disiplina.
Si Jenny ay hindi lang isang magaling na atleta kung hindi siya ay nagaaral din ng medisina noon.
Sabi nya na arawaraw paggising nya ay nageexercise na sya sa liob ng dalawang oras. Pagkatapos non ay papasok na sya sa eskwelahan at didiretso sa library para magaral hanggang hapon. Sa gabi naman ay magsi-swimming sya para mag-practice at paguwi sa gabi ay aral na naman sa magdamag.
Sabi nya ang kanyang araw ay nagsisimula ng 7am hanggang 1am ng umaga. Wala daw syang social life at sabi nya konti lang ang time na nakakakain sya at nakakapunta ng banyo. Grabe ang disiplina ni Jenny. Narealized ko na kung meron











