HINDI TALAGA TAYO | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG (HUGOT) |MERCY BLESS


MERCY BLESS

73 views

HINDI TALAGA TAYO
By: John Curiente Fernando
Produced by: MERCY BLESS

"Heto na naman ako, binabalikan ko na naman yung panahong masaya tayo.. panahong mahal
mo pa ako at panahong mahal din kita.
Akala ko, ok na ako, akala ko tanggap ko na lahat, pero sa tuwing maalala kita, bumabalik ang
mga alaala. Oo namimiss kita, namimiss ko yung tulad mo, yung alaala mong hindi mabura
bura, sa isip at sa aking puso.
Sinbukan ko naman na kalimutan ka, binura ang lahat ng mga bagay na pwede umalala sayo ,
pero wala akong nagawa, dahil sa mismong isip ko andon ka at wala akong magawa dahil
bumabalik ka, ang naging alaala nating dalawa.
Napapatanong ako sa sarili ko, bakit ko nagagawa to, sa kabila ng mga masasakit na
pangyayari, sayo parin ako nanananatili, sayo parin yung pagmamahal ko kahit hindi na ako
ang iyong pinili.
Di man tayo tumagal, pero wagas kitang minahal, Sayo ulit sinubukang sumugal at umasang
sayo na magtatagal, pero bakit ganon?, naglaho bigla ang iyong pagmamahal.
Hindi ko sa sinusumbat ang mga nangyari nung nakaraan , pero sobra akong nasaktan nung
bigla kang lumisan, at dala ko parin ang sakit na di ko alam kung hanggang kailan.
Sa simpleng dahilan akoy iyong iniwan, ginawan ko naman ng paraan para sana maagapan,
pero mas pinili mo akong bitawan, kaysa ilaban ang relasyong ating sinimulan.
Oo ,Pumayag ako sa gusto mo, na kahit sobrang labag sa loob ko, sinunod ko nalang ang
gusto mo kahit na ayaw ko, pero ginusto ko nalang, kaysa pilitin kita, na alam kong hindi kana
magiging masaya.
Hayss eto na naman, kailan ko ba titigilang balik balikan yung mga bagay na alam kong tapos
na, ?
Wala eh, sa kabila ng sakit at pagdurusa ikaw parin ang aking naalala.
Oo, Mahal parin kita, at ayokong kumilala at magmahal ng iba hanggat di pa ako tapos na
mahalin ka, ikaw at ikaw parin ang binabalik balikan ng puso kong sugatan,
Kahit akoy iyong nasaktan mula sa iyong paglisan, bumabalik padin ang damdaming sayo ko
noon ulit sinimulan.
Alam kong hindi na maibabalik , at sobrang

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press