HINDI TAYO PWEDE | SPOKEN POETRY | MERCY BLESS - COLLAB FOR ALL
MERCY BLESS
Hi guys... Thank you for visiting my YOUTUBE.
You are all God's Blessing to me.. I LOVE YOU AND GOD BLESS ALWAYS muaahh :)
-------------------------------------------------------------------------
Nakakagaan na pag ibig pero sadiyang mapanganib,
Makatarungang nararamdaman at pangako na unti unti ring napapako,
Show More
Teka,tayo pa ba,saan na ba tayo,ayos parin ba?
Ayos parin ba ung relasyon na binuo nating dalawa,
Ayos parin ba ung dating pagsasamahan natin,
Sabay pumasok sa school,sabay sa pag uwi,sabay,sabay sa lahat ng bagay,
Naaalala mo pa ba ung dating kalokohan nating dalawa,
Sa mga bagay na pareho nating gusto,sa mga galaw na pareho tayong tumatawa,
Lahat ng ito ay lagi nating ginagawa dahil ang alam natin malaya na
Dshil ang alam natin wala ng hangganan ngunit sinabi ng tadhanang
Mali na,na hindi talaga tayong dalawa
Alam mo ung masakit,ung pinagtagpo tayo pero hindi naman talaga tayo
Pinagawa tayo ng masayang ala-ala pero ang pumalit ay sakit
Pina asa ako na may tayo pero ang tanga ko
Hindi ko inisip na may mahal kang iba at hindi ako,
Ang tanga ko dahil nahulog ako sa maling tao,
ang tanga ko dahil nagpalunod ako sa agos ng ilog,
At bigla nalang nasabit sa may bato,
dahil dun naman talaga yung direksyon ko,hindi sa'yo
Bakit ngayon pa,bakit ngayong masaya na tayo,
Bakit ngayon pang may hadlang
bakit hindi pa noong wala kang mahal na iba,
Bakit ngayon pa na may ala-ala na tayo,
Hindi ko kaya pero kailangan ng tapusin,
hindi ko kaya pero kumakatok na si tadhana,
na dapat itama na,at kailangan ng ibalik ung dating pagkakaibigan natin,
pero maibabalik pa kaya to kasi ikaw narin ang nagsabing
mali nato,kaya lalayo na ako
kahit di ko kayang umalis sa tabi mong nakasanayan ko,
Sa ngayon mag isa ako pero ala ala natin ay kasama ko,
Sa ngayon hinihintay ka
Sa ngayon pipilitin kong magsimula na at sundin ang sinasabi ng tadhana na
Pinagtagpo lang kayo pero di tinadhana,
Hanggang ngayon umiikot yun sa isipan ,
unti unting pinag iisipan pero di ko kayang lisan,











