HIS TIME IS NEAR, ARE YOU READY?
Sa Linggo Ika-21 ng Mayo ay ipagdiriwang natin ang pag akyat sa langit ng ating Panginoong Hesukristong muling nabuhay. Sa ating ebanghelyo ay binibigyan tayo ng abiso na dapat ay handa ang ating mga Espiritwal na pangangatawan sa nalalapit na pag akyat sa langit ng ating Panginoong Hesukristo. Ipinahahayag sa ebanghelyo na hindi maiintindihan ng mga apostoles sa simula ang mga katagang pinahahayag ni Hesus ngunit kalaunan ay magkakaroon sila ng pangunawa sa mga kataga ni Kristo at kanilang maiintindihan at isasabuhay ang mga aral ni Hesus at buong tapang na ipapamalita at ipapangaral ang mga ito sa ibang lugar sa tulong ng Espiritu Santo na Tinatawag din nating Pentekostes na ipagdiriwang natin sa sa susunod na Linggo matapos ang Linggo na darating.
Sa nalalapit na pag akyat sa langit ng ating Panginoong Hesukristo ay mayroong katanungan tayong dapat sagutin sa ating mga sarili at ito ay ang katanungang tayo bang mga tao ay handa na sa pagbabalik ni Hesukristo sa kanan ng Ama? Kung tutuusin ay nasa Kanan na ng Ama ang ating Panginoong Hesukristo pero tayong mga tao na nananampalataya ay dapat sumagot kung tayo ba ay handa na at karapatdapat na sa pinangakong buhay na walang ganggan ng ating Panginoon nang tinubos niya ang sala ng buong sang sinukob.
Show More
Kaya nga ngayong Huwebes, para isabuhay ang isang talata sa bibliya, ating pakinggan si Bro. Michael Christian Delos Reyes.
Ating ayain ang ating mga ka-pamilya, kaibigan, at mga katrabaho!
Sabay sabay po tayong magpuri at sumamba sa Diyos Ama.











