How Grace Shapes and Directs Our Life Part 2


Last week ay pinagaralan natin ang part one ng ating series na Amazing Grace. Nakakatuwa ang biyaya ng Diyos dahil binibigay Niya ito sa mga makasalanang tao na kagaya ko at kagaya mo. Binibigay ito sa mga taong kinilala na wala silang magagawa sa sariling lakas para umani ng kaligtasan. At dahil dito ay naunawaan nila ang pangangailangan sa Panginoong Hesus na nagbayad ng lahat ng kasalanan ng lahat ng tao sa sanlibutan. Ang biyaya ay unmerited favor na ang ibig sabihin ay binibigay ng libre sa mga taong hindi karapatdapat.

sabi sa Roma 5:8 MBB
8 Ngunit pinatunayan ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa.

Show More

Kaibigan kung nagdududa ka sa grace ng Diyos na binibigay sa mga hindi deserving na tao ay ito ang patunay. Ang sabi sa talata ay pinatunayan ng Diyos ang Kanyang pagibig sa atin ng Siya ay mamatay. Kailan? Nung nagbago na tayo? Hindi ang sabi ay noong tayo ay makasalanan pa. Bakit? dahil ang katotohanan ay hindi naman tayo darating sa puntong hindi na magkakasala. Hindi tayo darating sa punto na isang araw paggising mo ay perfect ka na at sinless. At dahil dito ay sa grace ng Diyos ay binayaran Niya ang ating mga kasalanan. Past, present at future sins. Hindi ka pa ipinapanganak ay alam na Niya ang lahat ng kasalanan na gagawin mo pero minahal ka pa din ng Panginoong Hesus at inako NIya ang lahat ng kasalanan ko at kasalanan mo upang Siya ang parusahan sa halip na tayo.

Review natin yung

Ephesians 2:8-10 NIV
8 For it is by grace you have been saved, through faith—and this is not from yourselves, it is the gift of God— 9 not by works, so that no one can boast.

ang sabi dyan ay dahil sa grace o biyaya kaya naligtas ang mga alagad ng Panginoong Hesus sa Ephesus nung sila ay nanamapalataya. Ang kaligtasan ay nakamit nila dahil sa faith sa ating Panginoong Hesus at hindi sa kanilang mga ginawa. Ang sabi dyan ay through faith—and this is not from yourselves. Ang kaligtasan ay hindi makakamit sa

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press