How Must We Respond to God's Grace Part 3
For the past two weeks ay pinagusapan natin ang dalawang topic sa ating series na Amazing Grace.
Nung part 1 ay nakita natin na sobrang amazing talaga ng grace ng Diyos dahil ito ay enough to rescue us. kaya tayong iligtas ng Diyos kahit hindi tayo deserving bakit? Dahil sa grace Niya sa atin. Pangalawa grace is enough to secure us ibig sabihin pag niligtas ka ng Diyos ay sisiguraduhin Niya na hindi ka maaagaw sa Kanya. Ang ibig sabihin ang binigay Niya sayong buhay na walang hanggan ay hindi temporary o conditional. Ang eternal life mo ay nagsimula na nung nanamapalataya ka sa Panginoong Hesus at ito ay wala ng katapusan hanggang magkita kayo ng Diyos sa langit. Then pangatlo grace is enough to transform you. Hindi mo mababago ang iyung sarili sa pamamagitan ng will power. Ang totoong pagbabago ay manggagaling lang sa Diyos. Sa pamamagitan ng grace Niya ay ipapanganak kang muli. Lilikhain ka Niya na bago. Na ang magiging desire ng puso mo ay mahalin ang Diyos, mahalin ang kapwa at gumawa ng good works. Grabe napakabuti ng Diyos. Ito ang meaningful life na pwede tayong magkaron sa pamamagitan ng grace ng Diyos.
Then yung part two ay pinagusapan natin kung paano tayo binabago at ginagabayan ng grace ng Diyos. Grace sanctify you to become Christlike. Tatangapin ka ng Diyos as is. Hindi Niya titignan kung gaano karami o kalala ang kasalanan mo kundi pag nanamapalataya ka sa Panginoong Hesus ay papatawarin ka Niya at magsisimula Siyang kumilos sa buhay mo upang tulungan kang maging kalarawan ng Panginoong Hesus. Pangalawa grace inspires you to serve. Wow hindi ka lang babaguhin ng biyaya ng Diyos kung hindi magbubunga pa ito sayo ng paglilingkod. Ang paglilingkod sa Diyos ay isang privilege at kung ikaw ay kasama sa Kanyang gawain ay napakalaking blessing na sa billion na bilang ng tao ay isa ka sa nahirang na maglingkod sa Kanya. Then pangtlo grace trains you for endurance. Sasanayin ka Niyang maging matatag sa hamon ng buhay. Sasanayin ka Niya maging matatag upang











